Real talk for OFWs: negosyo, career, at tamang diskarte

Bago Ka Mamuhunan, Alamin Muna Kung Sulit ang Negosyo

Praktikal na gabay sa negosyo at career para sa mga OFW at pamilya nila. Galing sa kapwa OFW na nagpatakbo ng negosyo, nakita ang mga ups and downs nito, at natuto mula rito.

OFWGuy free business checklist

Ano ang laman ng checklist?

  • 6 na tanong na sasagutan mo sa loob ng 5 minuto
  • May gabay kung paano basahin ang resulta mo
  • Para sa kahit anong negosyong iniisip mo, online man o sa Pinas
  • Libre, at walang email spam

Pakilagay ang email mo sa ibaba

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Libreng OFW Business Checklist

6 na tanong na dapat sagutin bago ka maglagay ng puhunan sa kahit anong negosyo. Ipapadala ko sa email mo, kasama ang mga bagong video at gabay para sa OFW.

Magpapadala ako ng email paminsan-minsan, tungkol sa negosyo, career, at pag-iwas sa scam.

Sino si OFWGuy?

OFWGuy mascot

Isa akong OFW na nagtrabaho bilang technician sa isang malaking imaging company at sa isang semiconductor company. Nagpatakbo rin ako ng sarili kong internet cafe sa Pilipinas sa loob ng 5 taon, na lumaki hanggang 3 branches. Naging IT network engineer at marketing executive naman sa ibang bansa.

Mahigit 15 taon na rin akong web designer, kadalasan para sa mga maliliit na negosyante, kaya nakita ko mismo kung paano nagdedesisyon, gumagastos, at nahihirapan ang mga may-ari ng negosyo.

Nakita ko rin kung paano humina ang negosyo ko at ang negosyo ng iba, at doon ko natutunan ang pinakamahalagang aral: hindi sapat ang sipag, kailangan ding tama ang negosyo at tama ang timing.

Hindi ako guru, at hindi rin ako mangangako ng instant na yaman. Ang gusto ko lang ay i-share ang totoong karanasan ko para hindi mo na kailangang matuto sa mahirap at magastos na paraan.


Ano ang makikita mo dito?

OFWGuy mascot thinking about a business idea

Negosyo

Realistic na ideya, totoong gastos, at mga babala.

OFWGuy mascot doing thumbs-up

Career

Paano mag-pivot, mag-remote work, at maghanda bago umuwi.

OFWGuy mascot warning about scams

Iwas-Scam

Mga red flag sa investment at “business opportunity”.